Fury binigyan si Joshua ng ultimatum

Fury binigyan si Joshua ng ultimatum

September 25, 2022 @ 2:13 PM 2 months ago


LONDON – Binigyan ni Tyson Fury si Anthony Joshua ng deadline na hanggang Lunes para para pirmahan ang kanilang kotrata sa kanilang inaabangan all-British showdown o kalimutan ang pagharap sa kanya para sa world heavyweight title.

Nagkaroon ng matagal na pag-uusap sa pagitan ng dalawang kampo ng kampeon ng World Boxing Council na si Fury at Joshua, isang dating may hawak ng iba pang pangunahing titulo ng heavyweight ng sport.

Noong nakaraang linggo lamang ang deal, na may 60-40 split na pabor kay Fury, ay sinabing tinanggap ng management team ni Joshua.

Sinabi ng beteranong promoter na si Frank Warren na may ipinadalang kontrata sa kampo ni Joshua.

Si Eddie Hearn, ang promoter ni Joshua, ay nagdagdag ng mga maliliit na isyu na dapat lutasin bago ang laban na inaasahang magaganap bago matapos ang taong ito.

Kumbinsido si Fury na sinusubukan ni Joshua na umatras dahilan para batikusin nito sa social media ang karibal.

“I was optimistic about three weeks ago but it shouldn’t be taking this long to sign a contract,” sabi ni Fury sa isang video na nai-post sa Twitter feed ng Queensberry Promotions.

“We’ll know by Monday anyway kasi kung hindi pa tapos by Monday then I’m moving on.”

“I’m not waiting around for some guy who lost three of his last five fights. Maswerte siya na binibigyan ko siya ng world title shot.”

Idinagdag ng 34-year-old: “He is an invited guest at my party – my rules. So, if you want to play the game, come to the banquet and take your seat.”

Si Warren, gayunpaman, ay nanatiling optimistiko na ang laban ay matutuloy.

“May isang pagpupulong na magaganap sa Lunes at umaasa ako na malulutas nito ang sa tingin ko ay ilan lamang sa mga natitirang isyu, hindi para sa amin, ngunit ito. parang para sa kanila.

“Let’s hope they are good as their word and they don’t duck out of it.”

Nag-alok si Fury para sa isang ‘Battle of Britain’ laban kay Joshua matapos itong lumabas na si Oleksandr Usyk, ang WBO, IBF at WBA champion, ay hindi na muling lumaban hanggang sa unang bahagi ng susunod na taon.

Si Joshua, 32, ay dumanas ng kanyang ikalawang sunod na pagkatalo sa Ukrainian sa Saudi Arabia noong nakaraang buwan.

Inanunsyo ni Fury na magretiro na siya sa kanyang ika-34 na kaarawan noong nakaraang buwan, na dati nang nagsagawa ng ilang U-turn sa kanyang hinaharap sa sport.

Ngunit sa isang video na nai-post sa social media noong nakaraang buwan ay hinamon niya si Joshua na makipag-showdown.JC