Fury vs Wilder, makakansela

Fury vs Wilder, makakansela

July 9, 2021 @ 11:39 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nangangambang makansela ang laban sa pagitan nina Tyson Fury at Deontay Wilder na nakatakda sa July 24 dahil sa outbreak ng COVID-19.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng COVID-19 outbreak sa kampo ni Fury pero wala pang opisyal na updates ang inaanunsiyo ng para sa  pay-per-view fight na gagawin sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

Sakaling hindi matuloy dahil sa isyu ng coronavirus, inasahang ililipat ang 3rd match sa pagitan nina Fury, 32, at Wilder, 35 sa September.

Unang nagharap sina Fury-Wilder noong December 2018 na nagtapos sa disputed draw habang nanalo naman sa rematch si Fury noong February 2020 nang ibato ng corner niWilder ang towel sa 7th round.

Hindi na lumaban pa ang dalawan simula noong huli nilang paghaharap.

Hawak ni Fury, isang 6-foot-9 Englishman na tinatawag na “The Gypsy King,” ang record na 30-0-1 na may 21 knockouts habang si Wilder,  6-foot-7 American na kilala sa tawag na “The Bronze Bomber,” ay may record na 42-1-1, 41 dito ay  via knockouts.JC