FVR pinarangalan sa Senado bilang ‘trabahador ng bayan’

FVR pinarangalan sa Senado bilang ‘trabahador ng bayan’

August 2, 2022 @ 1:14 PM 6 days ago


MANILA, Philippines- Nagkaisang inaprubahan ng Senado sa ginanap na plenaryo nitong Lunes, Agosto 1, 2022 ang isang resolusyon na nagpapahayag ng marubdub na pakikidalamhati at pakikiramay sa pamilya ni dating Pangulong Fidel Valdez Ramos na pumanaw nitong Hulyo 31, 2022.

Sa ginanap na sesyon, sumang-ayon ang lahat ng miyembro ng Senado upang pagtibayin ang Senate Resolution No. (SRN) 72 na inawtor ni Senate President Juan Miguel “Migz” F. Zubiri, na ikinokonsidera ang SRNs 73, 74, 75, 76 at 90.

Ayon kay Zubiri sa kanyang sponsorship speech, pinasalamatan niya si Ramos sa napakaraming kontribusyon nito sa pagtataguyod ng bansa at repormang pang-ekonomiya kaya’t tinawag niya ang dating chief executive bilang “Trabahador ng Bayan”, na tumulong upang baliktaran ang pagiging “Sick Man of Asia” bilang “Asia’s Next Tiger Economy”.

“As president, [Ramos] brought his military mind to the table and set the benchmark for hard work and discipline, the standard for boldness, and the template for fast action and quick results,” ayon kay Zubiri.

“[Ramos] believed strongly that we have what it takes to better ourselves and give our children the brighter future they deserve. He imagined a better country for us all, and willed himself, and worked himself to the bone, to realize it. The result was that he left the nation better than he found it,” giit pa ni Zubiri.

Naghandog din ng kani-kanilang pakikiramay at pagkilala sina Majority Floor Leader Joel Villanueva, Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Senators Bong Revilla, Sherwin Gatchalian, Pia Cayetano, Bong Go at Jinggoy Estrada na tumayo sa session hall upang ipaalala ang mahusay na uri ng liderato at tunay na serbisyo publiko ng dating pangulo.

“Sa mahabang listahan ng mga kontribusyon ni FVR sa bayan, isa po sa tingin ko na pinakatampok ay ang paglagda niya sa Republic Act No. 7796 o ang TESDA Law noong 1994. Binigyan daan po nito ang makasaysayan at masayang pagbabago sa buhay ng milyon-milyon nating mga kababayan,” ayon kay Villanueva, ang TESDAman Senator.

“FVR reinvented politics in the way he conducted extensive consultations with various sectors of the country, advocating for a cohesive culture knowing how divisive Philippine politics can be. He envisioned the Philippines to be a society characterized by equity, tolerance, harmonious pluralism, justice, and full respect for human rights,” giit naman ni Legarda.

Lumahok din sina neophyte Senators Raffy Tulfo at Robinhood Padilla sa paglalahad ng paghanga na tinawag nilang “respetadong military man at statesman” na itinutok ang buhay sa pagsisilbi sa Filipino, sa loob at labas ng bansa.

“Part of this strong revival plan was his pioneering of the protection of the rights of Overseas Filipino Workers through the enactment of Republic Act 8042 or the Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995. It became my number one tool in assisting thousands of our countrymen to avail of these protections from illegal recruitment and abuses from employers abroad,” ayon kay Tulfo.

Kalahating nakalayag ang Pambansang Watawat sa Senado bilang paggalang kay Ramos na nagsilbing ika-12 Pangulo ng bansa mula 1992 to 1998. Pumanaw si Ramos sa edad na 94. Ernie Reyes