G7 hinikayat ng IMF, World Bank na mamahagi ng sobrang bakuna

G7 hinikayat ng IMF, World Bank na mamahagi ng sobrang bakuna

June 4, 2021 @ 11:29 AM 2 years ago


WASHINGTON – Hinikayat ng mga namumuno sa International Monetary Fund at World Bank ang Group of Seven advanced economies na ipamahagi ang mga sobrang bakuna sa mga developing country sa lalo’t madaling panahon.

Tinawagang pansin din ng IMF at WB ang mga manufacturer na bilisan ang produksyon.

Sa nasabing joint statement para sa G7, sinabi nina IMF Managing Director Kristalina Georgieva at World Bank President David Malpass na tinatawagang-pansin nila ang gobyerno, pharmaceutical companies at grupo na parte sa vaccine procurement para pagtibayin ang transparency tungkol sa contracting, financing at deliveries.

“Distributing vaccines more widely is both an urgent economic necessity and a moral imperative,” ayon sa kanila. “The coronavirus pandemic will not end until everyone has access to vaccines, including people in developing countries.”

Nakatakdang magkita sina Malpass at Georgieva ng personal kasama ang  finance officials mula sa G7 countries – Britain, the United States, Canada, Germany, Italy, France at Japan – para pag-usapan ang COVID-19 pandemic. RNT