Gaano kaseryoso ang Leptospirosis?

Gaano kaseryoso ang Leptospirosis?

July 10, 2018 @ 3:14 PM 5 years ago


Ang Leptospirosis ay isang impeksyon na dulot ng bacteria na galling sa mga hayop. Sa Pilipinas, mga daga ang karaniwang may dala ng sakit na ito.

Seryosong sakit ang leptospirosis dahil sa dumaraming bilang ng mga namamatay dahil ditto, lalo na ang mga napababayaan.

SAAN GALING ANG LEPTOSPIROSIS?

Hindi na kagulat-gulat na tuwing tag-ulan ay talamak ang mga nagkakaroon ng leptospirosis. Tuwing bumabaha kasi lalo na sa siyudad, sumasama rito o humahalo ang mga bacteria na galling sa daga.

Madalas ang ihi ng mga daga na humahalo sa tubig-baha ang siyang may dala ng mga mikrobyo, na maaaring makapasok sa katawan ng tao sa pamamagitan ng mga sugat-sugat sa paa, binti, tuhod, o anumang bahagi ng katawan na nabasa o nalublob sa tubig-baha.

ANO ANG MGA SINTOMAS NG LEPTOSPIROSIS?

Ang leptospirosis ay may mga sintomas na paunti-unting lumalabas at hindi biglaan. Kadalasan, nararamdaman ito pagkatapos pa ng 4-14 na araw makalipas ang pagkabasa o pagkalublob sa tubig-baha. Ang mga sintomas ng leptospirosis ay ang mga sumusunod:

Sa umpisa:

  • Parang tinatrangkaso
  • Lagnat
  • Panginginig
  • Pananakit ng katawan (nangangalos)
  • Panakakit ng kasukasuan
  • Sakit sa ulo
  • Pananakit ng tiyan
  • pagsusuka
  • pagtatae

Kung may komplikasyon

  • Paninilaw ng katawan
  • Mahapdi na pag-ihi
  • Ihi na kulay-tsaa
  • Kawalan ng ganang kumain
  • Binabalisawsaw

Mahalaga na makapagpatingin agad sa doktor o magpa-confine na kapag nakaramdam ng mga sintomas ng leptospirosis. Huwag isaalang-alang ang buhay dahil nag-dadalawang isip ka pa.

Mga paraan para makaiwas sa sakit na ito

  • Iwasang mabasa o malublob sa tubig-baha ang katawan, lalo na ang mga sugat
  • Kung lulusong sa tubig-baha, gumamit ng botas at iba pang kagamitan
  • Ang pagkakaron ng alipunga at galos sa paa ay maaaring magsilbing daan para makapasok ang leptospirosis sa katawan. Agapan ang alipunga (bisitahin ang artikulo).
  • Pagbawalan ang mga anak na maglaro sa tubig-baha o anumang tubig na hindi dumadaloy
  • Pagtibayin ang resistensya ng pamilya sa pamamagitan ng pagkain ng masustansya
  • Magpatingin kaagad sa doktor kung may mga sintomas ng leptospirosis