GAB kumatok sa DSWD

GAB kumatok sa DSWD

May 31, 2021 @ 9:19 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Muling kumakatok sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Games and Amusements Board (GAB) para sa ayuda ng mga atletang nawalan ng trabaho sa gitna ng pakikibaka sa mapamuksang COVID-19.

Ayon kay GAB Chairman Abraham Kahlil “Baham” Mitra, muling niyang sinulatan ang ahensya ni DSWD Sec. Rolando Joselito Bautista upang muling maipakiusap na maisama sa Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD ang mga abang professional boxer at combat sports fighters na lubhang apektado sa ipinatutupad na quarantine para maabatan ang pandemic.

Sa kanyang sulat na may petsang Mayo 24, hiniling ni Mitra ang tulong ng DSWD, hindi lamang sa professional boxers, gayundin sa Mixed Martial Arts (MMA), Muay Thai fighters, matchmakers, gayundin sa ring officials.

“With the active collaboration between the men and women of DSWD and GAB, the AICS program has resulted in the successful delivery of financial assistance to 889 GAB professional boxing licensee-beneficiaries all over the country; in the Luzon region; in the Visayan region particularly in Cebu and in Mindanao region, more specifically in Cagayan de Oro, Davao and General Santos City,” pahayag ni Mitra.

Iginiit ni Mitra na ang mga atleta nabanggit ay nadepende lamang sa mga nakukuhang laban at ang mahigit isang taong pagkatigil ng sports, particular ang contact sports, ay lumikha ng labis na pasakit sa mga boxers at fighters.

“Last year, nakapagbigay tayo ng tulong mula sa DSWD gayundin kay Senator Bong Go at sa ibang pang pribadong indibidwal. Sa kasalukuyang sitwasyon, unti-unti nakababalik na ang boxing pero mangilan-ngilan pa lang ang mga promosyon kaya hirap ang ating mga boxer,” pahayag ng dating Palawan Governor at Congressman. Rico Navarro