Gab, sinabihang magpakamatay, niresbakan ang basher!

Gab, sinabihang magpakamatay, niresbakan ang basher!

April 18, 2022 @ 4:43 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Patuloy na bina-bash si Gab Valenciano dahil sa pagsuporta niya sa isang presidentiable at vice presidentiable.

Pero hindi na nakapagpigil ang anak ni Gary V at pinatulan ang isang basher.

Ibinahagi ng binata ang screenshot ng reply sa kanya ng basher sa kanyang Twitter account.

“Ano pa inaantay mo brod kung makapuna ka kay tatay digs wagas… pakamatay ka na… di na kaya ng depression mo, eh,” sabi ng basher kay Gab.

Sagot naman ng binata, “this is a reflection of society today. Kung sino ka man, God bless you. Trying to insult me means you are triggering millions of Filipinos struggling to make ends meet. Shame on you.”

Ani pa ni Gab, hindi kailanman mangyayari ang gusto ng basher na magpakamatay siya dahil mayroon siyang maayos na support system na nagmamahal sa kanya. Rommel Placente