Gabbi at Khalil, nagpakonsulta sa psychiatrist!

Gabbi at Khalil, nagpakonsulta sa psychiatrist!

April 5, 2022 @ 10:22 AM 3 months ago


Manila, Philippines – Nagpasalamat ang mga followers ng mag-jowang Gabbi Garcia at Khalil Ramos na natapos na ang lock-in taping ng Love You Stranger.

May naikuwento sina Gabbi at Khalil sa Chika Minute ng 24 Oras sa kanilang serye na may angle ito towards mental health issue.

“Before we start ng lock-in taping, pina-consult muna kami sa psychiatrist, hindi basta-basta lang, they made sure we were responsible enough to tackle the topic. Halos 50 days kami sa lock-in taping at ito ang pinakamatagal na nawalay kamii sa aming mga families at pinakamatagal na pagsasama namin for a project, kaya marami rin kaming na-discover sa aming sarili, sa aming trabaho, kung paano maging dedicated sa work, na-test din namin ang patience namin sa isa`t-isa, while working together.” Gerry Ocampo