Gabby, muling pumirma sa Kapuso!

Gabby, muling pumirma sa Kapuso!

September 12, 2022 @ 7:47 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Now, who says that Gabby Concepcion’s diehard fans are sick and tired of their idol being paired anew with Sanya Lopez?

Recently ay muling pumirma ng kontrata ang ageless actor.

Abut-abot nga ang pasasalamat ni Gabby dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya ng GMA.

Pareho kasing naging matagumpay ang nilabasan niyang First Yaya na sinundan agad ng First Lady.

Nakatakdang muling gumawa ng teleserye ang aktor, but in the meantime ay mapapanood muna siya sa monthlong na pag-ere ng Daig Kayo ng Lola N’yo.

After which Gabby needs to go back to the US para sa mga natanguan niyang shows doon.

It’s interesting to note na hanggang ngayon ay hindi pa maka-move on ang mga fans ni Gabby sa screen teamup nila ni Sanya Lopez.

Dahil kung sila raw ang masusunod ay meron na

silang naiisip na pamagat ng sequel ng FY at FL.

First Family is the proposed title which Gabby’s fans have in mind where the original cast is retained.

‘Yun nga lang, maaaring crucial ito if GMA considers doing a sequel.

May tinatawag na umay o sawa factor as far as audience preferences are concerned.

Marami ang naniniwalang for a change ay sumubok naman si Gabby ng ibang love interest sa dinami-dami nga namang Kapuso stars to choose from.

May point. Ronnie Carrasco III