Gabby, papasukin ang pulitika!

Gabby, papasukin ang pulitika!

June 23, 2022 @ 11:00 AM 7 days ago


Manila, Philippines – Kumpirmado: tatakbo na rin sa pulitika si Gabby Concepcion.

Balitang sa Kongreso anģ target ng aktor sa 2025.

Siyempre, sa lugar niya sa San Juan siya tatakbo.

Marami ang nagsasabi na inspirado si Gabby dahil na rin sa role niya sa First Lady.

He plays President Glen Acosta na pinagpaplanuhan ng masama ng kanyang mga political rivals.

May hatak naman si Gabby sa tao, at kahit malayo pa ang 2025 ay mukhang may kalalagyan siya.

Wala naman siyang magiging problema sa suporta mula sa anak na si KC.

Samantala, malapit nang mag-renew si Gabby ng kanyang kontrata sa GMA.

Mula nang pumirma siya ng kontrata, hindi na pumirmis ang mga kinabilangan niyang show.

Lalo pa ngang tumaas ang premium niya. Ronnie Carrasco III