Gabinete ni Pangulong Duterte, suportado ang Pederalismo

Gabinete ni Pangulong Duterte, suportado ang Pederalismo

August 9, 2018 @ 2:34 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Buo at 100 porsiyentong suportado ng buong gabinete ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Pederalismo.

Iyon nga lamang, hindi nagkasundo ang mga economic manager ni Pangulong Duterte hinggil sa usaping ito.

Isa sa umayaw rito si Finance Sec. Sonny Dominguez dahil sa 50-50 hatian sa buwis ng national government at Federated regions.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, pinagtalunan ng mga economic managers ang Pederalismo.

Aniya, may probisyon lamang sa draft Federal Constitution ng Consultative Committee (ConCom) ang inaayawan o hindi pinapaboran ng mga economic managers.

Subalit, sa kabuuan aniya ay pabor at suportado umano ng buong gabinete ang pederalismo na isinusulong mismo ni Pangulong Duterte. (Kris Jose)