Gabriela duda sa women empowerment na layon ng pagbisita ng US VP

Gabriela duda sa women empowerment na layon ng pagbisita ng US VP

November 27, 2022 @ 2:56 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Walang kinalaman sa women empowerment ang pagbisita ni United States Vice President Kamala Harris sa bansa.

Ito ang nakikita ng pro-women group na Gabriela Party-list.

Sa halip ayon sa grupo, ang pagbisita ni Harris sa bansa ay maaari pang makaapekto sa soberanya ng Pilipinas.

Ayon kay Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, ang pagbisita ng Bise Presidente ng Amerika ay sumisimbolo hindi ng women empowerment kundi ang military at economic expansion ng Amerika.

“Maaari ring magbunga ito ng exportation at installation ng nuclear weapos sa bansa sa panahon na pinapaigting ng US ang military presence sa Asia-Pacific,” ayon kay Brosas.

“We also reject the proposed installation of more EDCA sites which will signify the increased deployment of military troops in the country,” dagdag pa niya.

Ang EDCA o ang Enhanced Defense Cooperation Agreement ay kasunduan sa pagitan ng Manila at Washington.

“We urge our fellow Filipinos to reject the nuclear deal between the US and the Philippine government, as well as the construction of more EDCA sites across the country which will make Filipino women more vulnerable to violence and abuse,” paliwanag pa ni Brosas.

Sa impormasyon, hinahangaan si Brosas sa buong mundo bilang kauna-unahang babae, kauna-unahang Black American at kauna-unahang South Asian American na nahalal bilang Vice President ng US. RNT/JGC