Gabriela Youth tutol sa pagbabalik ng ROTC

Gabriela Youth tutol sa pagbabalik ng ROTC

August 2, 2022 @ 8:52 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Tutol ang Gabriela Youth sa planong pagbuhay muli sa mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program sa basehang magpopromote lamang muli ito ng culture of violence.

“Time and time again, we had stated this before and we will say it again: ROTC inculcates a culture of violence, impunity, sexism, and misogyny — not discipline and patriotism,” pahayag ni Gabriela Youth Spokesperson Shaye Ganal.

Sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos ay inatasan nya ang Kongreso na magpasa ng batas para sa muling pagbabalik ng mandatory ROTC sa senior high schools.

Matatandaan na ang mandatory ROTC sa bansa ay binuwag matapos ang pagkamatay ng 19 anyos na si Welson Chua ng University of Santo Tomas , ang labi ni Chua ay lumutang sa Pasig City noong March 18,2001 na may senyales na pinahirapan ito bago namatay.

Sinabi ni Ganal na sa halip na ROTC ang pagtuunan ng administrasyon ay preparasyon sa ligtas na face face sa pagbubukas ng school year 2022-2023 ang atupagin.

“Prioritizing measures to ensure the safety and health of the students, teachers, and employees going to school should be the first and foremost priority for the education sector, not the fascist imposition of mandatory ROTC,” pagtatapos pa ni Ganal. Gail Mendoza