Gagamiting bakuna para sa solidarity trial sa Pinas iaanunsyo na ng WHO

Gagamiting bakuna para sa solidarity trial sa Pinas iaanunsyo na ng WHO

June 3, 2021 @ 9:18 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Sa susunod na dalawang Linggo ay iaanunsyo na ng World Health Organization(WHO) ang bagong COVID-19 vaccine na gagamitin para sa isasagawang solidarity trial sa Pilipinas.

Sa naganap na pagdinig ng House Committee on Health sa pamumuno ni Commitetee Chairman Rep  Angelina Tan, nagbigay ng update ang project leader na si Dr. Jodor Lim ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH).

Ayon kay Lim, bumuo na ng team na magiging in-charge sa vaccine trial na una ay gagawin sa National Capital Region.

“We are developing our standard procedures, and the WHO will release in about two weeks’ time the identity of the vaccine that we will use for the trial” paliwanag ni Lim kung saan ang ikalawang klase ng bakuna na gagamitin sa trial ay maaaring tukuyin ng WHO matapos naman ang isa o dalawang buwan.

Ang bakuna na gagamitin ay nasa “undergoing studies” stage pa lamang ag hindi pa nabibigyan ng  emergency use authorization (EUA) sa bansa.

Layon ng gagawing WHO solidarity trial na ievaluate ang bisa ng efficacy ng candidate vaccines sa mga RT-PCR confirmed at symptomatic cases ng COVID 19.

Ang particilants sa nasabing solidarity trial ay mga 18 hanggang 60-anyos na hindi pa nababakunahan at nasa 15,000 participants ang kailangan.

Kabilang naman sa mga nakahanda nang laboratoryo para sa WHO solidarity trial ay ang UP-PGH, UP-National Institutes of Health, Lung Center of the Philippines at iba pa. Gail Mendoza