Galit sa pagkawala ng lider, 3 Chinese kinuyog…patay

Galit sa pagkawala ng lider, 3 Chinese kinuyog…patay

October 6, 2018 @ 10:29 AM 4 years ago


 

Bangui, Central African Republic – 3 Chinese nationals ang patay habang tatlo  pa ang sugatan sa pag-atake ng mga galit na miyembro ng kumunidad dahil sa pagkawala ng kanilang youth leader.

Napatay ng mga residente ang mga biktima nitong Huwebes habang ang mga ito ay naghihintay sa gendarmerie bilang parte ng imbestigasyon sa pagkawala ng naturang youth leader.

Ayon kay Government spokesman Ange Maxime Kazagui nitong Biyernes, hindi palalagpasin ng batas ang ginawang krimen ng mga residente.

Kuwento ng kapatid ng youth leader na si Mathurin Dimbele-Nakoe, ang mga biktima umano ay empleyado ng isang mining company sa Sosso-Nakombo at humingi ng tulong sa mining site sa may ilog.

Habang namamangka ang mga ito sa ilog kasama ang youth leader, lumubog ang bangkang sinasakyan ng mga ito at saka umano nawala at hindi matagpuan ang youth leader.

Hindi naman nagpaunlak ng komento ang Chinese Embassy sa Bangui bilang tugon sa naturang insidente./Remate News Remate News