Galunggong importation plan ng DA kinwestyon ng SINAG

Galunggong importation plan ng DA kinwestyon ng SINAG

January 21, 2022 @ 11:11 AM 7 months ago


Manila, Philippines –  Kinwestyon ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang pangangailangan sa pag-import ng round scad o galunggong, ayon sa ulat.

Batay sa SINAG, kasalukuyang may “ample” supply ng local na isda at fish products ang bansa sa kabila ng pananalasa ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao noong Disyembre.

“Nalunod ba ang mga isda nung Bagyong Odette? Nawala ba ang mga isda sa karagatan? Nasira ang mga banca ng mangingisda pero hindi naman nawala ang mga isda,” ani SINAG chairman Rosendo So sa pahayag.

Nag-ugat naman ang naturang komento ni So nang aprubahan ni Agriculture Secretary William Dar ang importasyon ng 60,000 metric tons ng isda kasama na ang galunggong sa unang kwarter ng 2022.

“Instead of protecting and helping farmers and fishers recover from the recent typhoon, we have a government agency that sides with importers and big traders. Inuuna ang kita sa panahon ng sakuna [Profits are being prioritized in times of disaster],” dagdag ni So.

Hindi aniya dapat sisihin ditto ang bagyo o natapos na fishing season bagkus ay dapat pang tulungan ang mga apektadong mangingisda.

“Bigyan sila ng banca para makapangisda at malinaw na patakaran sa mga panahon at lugar na pwedeng pangisdaan.” RNT/FGDC