Galvez: 4 ASEAN countries daig ng Pinas sa arawang nababakunahan vs COVID

Galvez: 4 ASEAN countries daig ng Pinas sa arawang nababakunahan vs COVID

June 1, 2021 @ 7:25 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ang Pilipinas ngayon ay mayroong pinakamataas na daily number ng COVID-19 vaccinations sa hanay ng limang malalaking bansa sa ASEAN.

Batay sa presentasyon ni Galvez, ang Pilipinas ay nakapag-administer ng 150,000 bakuna sa isang araw, mahigit pa sa Thailand, Indonesia, Myanmar at Vietnam.

“Sa ASEAN, ang Philippines na po ang pinaka-highest among the capital five largest ASEAN countries. Ibig sabihin po tayo na po ang pinakamataas mag-inject ng jabs every day,” ayon kay Galvez sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi.

Sinabi ni Galvez na ang local governments at ang Department of Health ay “very systematic” sa kanilang paga-administer ng mga bakuna.

Ani Galvez, layon ng pamahalaan na taasan pa ang daily vaccinations ng hanggang 500,000 sa third quarter ng 2021 at pagkatapos ay 740,000 vaccine shots sa fourth quarter para matamo ang herd immunity targets.

“Ito po patataasin yung ating jabs per day. Kayang kaya natin ang 500,000 to 740,000 per day. Kapag dumami na ang ating volumes tataaas ang ating vaccination,” ayon kay Galvez. Kris Jose