Galvez, Año kinontra ng DOH: COVID-19 epicenter, NCR pa rin

Galvez, Año kinontra ng DOH: COVID-19 epicenter, NCR pa rin

June 30, 2020 @ 4:39 PM 5 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Masasabing ang National Capital Region (NCR) pa rin ang epicenter ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire, kasunod ng naging pahayag ni Department of Interior and Local Government(DILG) Secretary Eduardo Año na halos maituturing nang Cebu City ang COVID-19 epicenter.

“Yes, more likely because of the rate of infection… In Cebu City, just one city, so if you compare it to the National Capital Region where we have 17 LGUs… in Metro Manila we have 356 (new cases) while we have 131 in Cebu City, so you can just see the number,” paliwanag ni Año sa isang panayam.

Sinegundahan naman ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez si Interior Sec. Año.

Paliwanag ni Vergeire sa DOH media forum, base na rin sa pahayag ng ilang eksperto na ang NCR ang sentro ng COVID-19  kung saan may  mga lugar na itinuturing na hotspots sa bansa kabilang ang NCR.

Ayon kay Vergeire, bagamat tumataas ang kaso sa Cebu City, makikita pa rin ang pagtaas ng kaso sa NCR.

“It depends, lot of expertise is saying that NCR is the epicenter and we are seeing a hotspots or a rising areas in the country, ang NCR kahit na mataas ang  Cebu, makikita natin na continuous ang  numbers dito sa NCR so as to identifying kung NCR ang epicenter, our  experts says na andito pa rin, although  makikita natin ang Cebu ay nagbo-boom sila ngayon.” ayon pa kay Vergeire.

Ayon kay Vergeire, masusuri lamang ito makalipas ng dalawang linggo pero sa ngayon ang NCR pa rin ang epicenter at ang Cebu ay isa sa hotspots na tinututokan ngayon ng DOH. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...