Galvez, clueless sa koneksyon ni Yang sa Pharmally

Galvez, clueless sa koneksyon ni Yang sa Pharmally

September 3, 2021 @ 1:28 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Wala umanong ideya si Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. kung may koneksyon kay dating Presidential adviser Michael Yang ang executives ng Pharmally firm na nag-suplay sa bansa ng P8-billion COVID-19 pandemic supplies.

Ang pahayag na ito Galvez ay matapos ipakita at ipanood ni Senador Richard Gordon sa Senate inquiry ang isang footage mula sa state-run RTVM na nagpapakita na may meeting si Chinese businessman Michael Yang at Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Pharmally officials.

Si Yang ay dating presidential adviser on economic affairs.

Sa kabilang dako, tinukoy ni Senador Risa Hontiveros ang records mula sa Taiwan’s Ministry of Justice website, kung saan si Pharmally’s chairman Huang Wen Lie, o mas kilala bilang Tony Huang, ay “wanted” para sa “securities fraud, stock manipulation, at embezzlement.”

Makikita rin listahan ng nasabing website ang pangalan ng anak ni Huang na si Huang Tzu Yen — na nakaupo bilang incorporator ng Pharmally Pharmaceutical Corp. at Pharmally Biological Inc. — bilang wanted person para sa stock manipulation.

“Wala kaming kaalam alam po diyan,” ayon kay Galvez.

“It was crunch time and all we can think about is to save lives since doctors, nurses are dying due to lack of PPE (personal protective equipment). We just did our part,” dagdag na pahayag ni Galvez.

Inulit din ni Galvez ang sinabi ni Presidential spokesperson

Harry Roque ang kakayahan ng Pharmally na makapag-deliver ng high-quality supplies sa abot-kayang halaga, sa tamang oras at hindi nagpapabayad hangga’t hindi naide-deliver ang mga pandemic supplies.

Sa kabilang, sinabi naman ni Galvez na handa niyang harapin ang Senate inquiry sa usaping ito sa Setyembre.

“Yes , I will attend because we have to be given time to respond. To conclude this is plunder is very insensitive.”

Matatandaang sinabi ni Sec. Roque na walang pangangailangan na magsagawa ng background check sa Pharmally dahil ang kompanya ay hiwalay na entity mula sa pesonalidad na nasa likod nito. Kris Jose