Galvez: Edca ‘di paghahanda sa giyera

Galvez: Edca ‘di paghahanda sa giyera

March 3, 2023 @ 10:26 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Iginiit ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. nitong Huwebes na ang layunin ng bilateral efforts katulad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (Edca) ay “to build deterrence, and is not for engaging in war or interfering in the domestic affairs of other nations.”

“Our projects under Edca and our other defense partnerships are not intended for aggression,” ani Galvez.

“We are not preparing for war, rather we are aiming to develop our defense capabilities against eventualities and threats to our security,” dagdag niya.

Ang mga pahayag ni Galvez ay kasunod ng paghahayag ng ilang mambabatas ay local government executives pag-aalinlangan sa kasunduan ng bansa sa United States para sa karagdagang Edca sites.

Nitong Miyerkules, kinuwestiyon ni Senator Imee Marcos si Galvez sa mga lokasyon ng Edca sites.

Matatandaang nitong nakaraang buwan, nagkasundo ang Manila at Washington sa apat na bagong Edca sites sa bansa. Ang mga bagong site sa Cagayan, Palawan, Zambales, at Isabela ay kapwa nakaharap sa Taiwan at China.

Sinabi ng Defense chief na nauunawaan niya ang reserbasyon ng ilang government officials hinggil sa bagong Edca sites.

“However, we must consider the volatile situation in which we operate and not view our country in isolation,” giit ni Galvez.

“The Philippines straddles a crucial location in the Pacific, and we have seaboards to the north, south, east and west. All of these must be monitored and protected,” dagdag niya.

Binanggit din ni Galvez na ang Edca ay bahagi ng Mutual Defense Treaty’s (MDT) commitments ng bansa.

“The MDT is founded on the principle of peace and promotion of regional stability. These underpin our activities and projects under Edca,” pahayag niya.

“As a nation, we renounce war as a foreign policy. However, we are committed to exhaust all available means and the resources available to us to defend our national interests,” patuloy ng opisyal.

Nilagdaan ng dalawang partido noong August 30, 1951, nakasaad sa MDT na susuportahan ng dalawang bansa ang isa’t isa kapag inatake ng external party ang Pilipinas o Estados Unidos. RNT/SA