Galvez: Kaguluhan sa militar, ‘tampo’ lang

Galvez: Kaguluhan sa militar, ‘tampo’ lang

January 20, 2023 @ 3:20 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. na higit sa ano pa man, ang kaguluhan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ay “tampo” lamang ng ilang sundalo na hindi pabor sa bagong batas sa fixed three-year terms para sa top officials.

Niliniw ito ng Department of National Defense (DND) nitong Biyernes, tatlong araw matapos aminin ni Galvez tsaSenate na may kaguluhan sa militar.

“We are listening to the concerns of our men and women in the AFP, who are understandably anxious over the perceived uncertainty in their careers under the new law,” ayon sa DND, base sa pahayag ni Galvez.

Layunin ng Republic Act No. 11709, o ng Act Strengthening Professionalism in the AFP, wna ikinasa noong Hulyo 2022, na mapigilan ang “revolving door policy” kung saan ilang buwan lamang nanunungkulan ang military chiefs bago ang kanilang mandatory retirement.

Subalit, sinabi ni Galvez na nakaapekto ito sa morale ng ilang sundalo, dahil pwede umanong makahadlang ang batas sa promosyon ng 135,000 enlisted personnel.

Sa gitna nito, nagsagawa ng hearing ang Senate Committee on National Defense and Security nitong Martes sa panukalang pag-amyenda sa RA 11709. RNT/SA