Galvez kay Leachon: ‘Disinformation’ sa bakuna, bawiin!

Galvez kay Leachon: ‘Disinformation’ sa bakuna, bawiin!

August 30, 2021 @ 7:20 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Pinatatama ni Vaccine czar at chief implementer of the National Task Force (NTF) Against COVID-19 Sec. Carlito Galvez Jr. sa isang doktor ang maling pahayag nito ukol sa bisa ng bakuna.

Sinabi ni Galvez sa Senate Hearing na dapat itama ni Dr. Tony Leachon, dating government medical advisor at public health advocate ang kanyang sinabi na limang bakuna lang umano ang epektibo laban sa Delta COVID-19 variant.

Sa Senate hearing kasi nitong Agosto 27 ay sinabi ni Leachon na ang limang bakuna na epektibo kontra COVID-19 ay ang Pfizer, AstraZeneca, Moderna, Janssen, at Covaxin.

Kapansin-pansin na hindi binanggit ni Leachon ang Sinovac’s CoronaVac, Sinopharm, at Sputnik V.

“Hinahamon ko po ang former government advisor na ito na itama ang kanyang sinabi sa Senate hearing. Ano po ang pinagkaiba natin sa mga nagkakalat ng mga disinformation ukol sa mga bakuna kung tayo mismo ay nagkakalat ng mga iresponsableng pahayag tulad nito?” giit ni Galvez.

Iginiit din ni Galvez kay Leachon na ang lahat ng bakuna na binili ng gobyerno ay rekumendado ng Vaccine Expert Panel, pool of experts na nagrebisa ng “efficacy” ng COVID-19 vaccines.

“While different vaccine types have different efficacy rates against the Delta variant, all of them including Sinovac are working and effective based on real world data,” ani Galvez.

Tinukoy din nito na ang health conditions ng COVID-19 patients na naka-admit sa Philippine General Hospital (PGH) “as of Aug. 26” ay nagpapakita na ang mga unvaccinated na indibiduwal ang mayroong “higher risk” na makapag-develop ng malalang sintomas.

Mula sa bilang na 280 adult patients, mayroon lamang aniyang 66 ang nasa critical condition, at 55 naman ang unvaccinated o hindi bakunado.

Sa hanay ng critical cases, 21 naman ang intubated at naka-life support systems.

“While fully vaccinated individuals can still get infected, none of them are intubated or on life support,” diing pahayag ni Galvez

Nagpalabas naman ng kahalintulad na posisyon at panawagan ang Department of Health (DOH) kay Leachon na linaawin nito ang kanyang mga sinabi sa Senate hearing. Kris Jose