Galvez: Pagkalos ng ‘fixed terms’ sa AFP, inirekomenda ng DND

Galvez: Pagkalos ng ‘fixed terms’ sa AFP, inirekomenda ng DND

January 23, 2023 @ 11:10 AM 5 days ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. nitong Lunes na inirekomrnda nila sa Senado na alisin ang “fixed terms” ng key Armed Forces of the Philippines (AFP) officials.

Binanggit ni Galvez na ang Senado— na sinisilip amyendahan ang Republic Act 11709 o Act Strengthening Professionalism in the AFP — ay naghayag ng suporta sa kanilang rekomendasyon.

“We are very thankful that the Senate, headed by our Senate President [Miguel Zubiri], made a statement that they will support our recommendation, which we will already remove the term ‘fixed term,’ instead we will use the term ‘extended tenure of service’,” pahayag ni Galvez sa Camp Aguinaldo.

Ayon kay Galvez, kapag ini-adopt ng Senado ang kanilang rekomendasyon, magiging “flexible” ang career management ong f AFP key officers at “not absolute.”

“So there is no such thing as fixed term already. Yung nga ang ano namin, kung ma-adopt yun, para at least talagang hindi magiging absolute, magiging flexible yung tinatawag nating career management ng ating mga key officers,” aniya.

Nitong Linggo, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na makatatanggap ng “strong support” mula sa mga senador ang panukalang naglilimita sa saklaw ng fixed three-year term sa AFP.

Nauna nang inihayag ni Zubiri na target ng  Senado na ipasa ang panukayang mag-aamyenda sa RA 11709 sa unang kwarter ng 2023.

Nitong January 12, sinabi ni Galvez na posibleng magdulot ng “stagnation” sa promotion cycle sa AFP ang fixed three-year terms maging demoralization ng military officers.

Nilagdaan ni dating Pangulong Rodrido Duterte abf RA 11709, na naggagawad ng three-year fixed terms para sa key AFP officials, kabilang ang chief of staff. RNT/SA