Galvez sa DND officials: ‘Stay in place’ sa ulat ng kabi-kabilang resignation

Galvez sa DND officials: ‘Stay in place’ sa ulat ng kabi-kabilang resignation

January 11, 2023 @ 11:33 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nanawagan si Defesne Secretary-designate Carlito Galvez Jr. sa mga key officials ng Department of National Defense (DND) na manatili sa pwesto.

Ito ay kasunod ng ulat na mayroong pito hanggang siyam na opisyal ng ahensya ang nagbitiw sa pwesto.

Sa pahayag ng DND nitong Miyerkules, Enero 11, ang kautusang ito ay ibinigay ni Galvez sa mga miyembro ng Executive Committee at mga pinuno ng DND bureaus.

“A formal report was presented to the SND-designate, the focus of which was to present the way forward of the Department and the 10-point agenda initiated by outgoing OIC, DND General Jose C. Faustino Jr.,” ayon sa DND.

Dagdag pa, makalipas ang pagpapakita ng formal report, nakipagkita naman si Galvez sa mga senior official ng DND at pinuno ng mga kawanihan nito kabilang na ang mga miyembro ng DND Executive Committee.

“We will sustain the gains of the past Secretaries and will also further enhance the capability of our national defense,” saad pa sa pahayag ng DND.

Idiniin naman ni Galvez ang kahalagahan ng morale ng mga empleyado sa DND at professionalism sa Armed Forces of the Philippines upang mapanatili ang tiwala ng mamamayan.

Matatandaan na nitong Lunes, Enero 9 ay nanumpa si Galvez bilang Kalihim ng DND kasunod ng pagbibitiw ni Faustino bilang officer-in-charge.

Nitong Martes naman, Enero 10 ay sinabi ni Faustino na nagbitiw siya sa pwesto nang malaman sa balita at social media na naglagay na ng bagong AFP chief ang Malacañang.

Tumugon naman dito ang Palasyo at sinabing alam ni Faustino ang tungkol dito. RNT/JGC