Galvez todo-suporta sa AFP modernization

Galvez todo-suporta sa AFP modernization

January 13, 2023 @ 9:46 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nangako si Department of National Defense (DND) Secretary Carlito Galvez Jr.na ibinibigay niya ang kanyang “fully support” sa nagpapatuloy na Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program.

Ito aniya ay kabilang sa kanyang isusulong bilang bagong hepe ng DND.

“Address the growing and significant challenges to the country’s territorial integrity and sovereignty by guaranteeing full support to the modernization program, strengthening coordinative mechanisms with interagency partners, and leveraging and maximizing with the country’s defense partnerships,” ayon kay Galvez sa AFP command conference sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, araw ng Huwebes.

Ang Horizon 3 ng AFP Modernization Program ay nakatakda mula 2023 hanggang 2028.

Ang military ay sinasabing dapat na mag- acquire ng external defense equipment sa nasabing phase gaya ng missile systems at multi-role fighters.

Hangad din ni Galvez na ang umiiral na defense initiatives at pagsisikap para makamit ang nilalayon na transformed defense organization ay maggagarantiya ng “Philippine security, territorial integrity, at sovereignty.”

Ito’y bukod pa sa “transforming the DND into a reliable partner in national development and a strategic partner in the region.”

Itutulak din ni Galvez ang tuluyang paggupo sa communist insurgency sa pamamagitan ng paglansag sa lahat ng guerrilla fronts at linisin at i-clear ang mga barangay, i-neutralize ang threat groups, at suportahan ang “national at local efforts for peace.”

“This also involved our preparation for the post-conflict and final political settlement of all insurgent groups,” ayon sa DND chief.

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Galvez si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa tiwala at kumpiyansa na ipinataw sa kanya nang italaga siya bilang DND chief.

“And I commit myself to be loyal to the mandate of the AFP and the DND in securing the state and protecting our people and also protecting this administration. We would like to announce that the AFP and the DND are together to ensure the success of the Marcos administration,” wika nito. Kris Jose