Game 2 ng Ginebra-ROS ‘di tuloy dahil kay ‘Henry’

Game 2 ng Ginebra-ROS ‘di tuloy dahil kay ‘Henry’

July 17, 2018 @ 1:24 PM 4 years ago


 

PBA – Dahil sa masamang panahon o patuloy na pananalasa ng bagyong “Henry” na nagresulta ng malawakang pagbaha, nagdesisyon ang pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) na iliban ang laro o ang Game 2 ng semifinals series sa pagitan ng Barangay Ginebra San Miguel at Rain or Shine Elsto Painters sa Araneta Coliseum.

Ayon sa PBA, pansamantalang iniurong ang laro para na rin sa kaligtasan ng mga fans, manlalaro at opisyal ng liga na siya anilang pinakamahalaga.

Sa Tweet ng @pbaconnect, sinabi nitong “Your PBA is cancelling its game today due to floods and the continuing inclement weather. Safety and security of the fans, players and officials are always of utmost importance. #WeArePBA”.

Sa halip, itutuloy na lang ang Game 2 ng best-of-five series sa Huwebes, July 19, sa Araneta Coliseum, bandang 7:00 p.m.

Nakauna na ang Ginebra sa serye matapos nitong tambakan ang Rain or Shine, 102-89, noong Linggo. (Nats Taboy)