Game 3 Semis ng SMB at Alaska, kinansela – PBA

Game 3 Semis ng SMB at Alaska, kinansela – PBA

July 18, 2018 @ 2:51 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Pansamantalang kinansela ang Game 3 ng Commissioner’s Cup semis sa pagitan ng San Miguel Beer at Alaska dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan.

Ang nasabing game na best-of-5 series ay naka-schedule ngayong araw, 7:00 ng gabi sa Araneta Coliseum. Kasalukuyang 2-0 ang standing ng San Miguel Beermen laban sa Alaska Aces.

Ang game ay nai-move ng Biyernes sa parehong oras sa Ynares Center Antipolo.

Samantala, kanselado rin ang Game 2 semis ng Barangay Ginebra San Miguel at Rain or Shine Elasto painters kahapon dahil sa buhos ng ulan at pagbaha.(Remate News Team)