GAME 4: Lakers wagi vs Nuggets

GAME 4: Lakers wagi vs Nuggets

September 25, 2020 @ 11:35 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

ORLANDO, Florida –  Isang panalo na lang at uusad na sa NBA Finals ang Los Angeles Lakers matapos talunin sa Game 4 ang Denver Nuggets, 112-108, sa ginaganap na NBA Western Conference best-of-seven series sa bubble sa pasilidad ng Walt Disney sa Florida.

Nanguna sa panalo ng Lakers ang dynamic duo nina Lebron James at Anthony Davis na umiskor ng 26 at 34 points, ayon sa pagkakasunod-sunod, habang umambag si Dwight Howard ng 12 points at 11 rebounds para sa Lakers.

Kinabahan pa ang fans ng Lakers matapos bumagsak sa sahig si Davis na namimilipit sa sakit dahil natapilok nang matapakan ang paa ng isang manlalaro ng Nuggets matapos kumana ng isang jumpshot.

Dahil krusyal ang laban, kaya minabuti ni Davis na maglaro kahit may iniindang sakit sa paa upang masiguro ang panalo ng Lakers kontra sa mapanganib ng Nuggets.

Nangangamba ngayon ang Lakers na kung hindi makalalaro si Davis sa Game 5 ay maaaring mahirapan si LeBron sa pagsagupa Nuggets.

Marami ang nakapansin na tila malata si LeBron sa loob ng court at pinababagal nito ang laro.

Nanghinayang naman ang Nuggets sa isinalpak na 32 points ni Jamal Murray. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...