Game-fixing wawakasan ng GAB

Game-fixing wawakasan ng GAB

January 3, 2022 @ 2:39 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Seryoso ang Games and Amusements Board (GAB) sa paglaban sa anumang uri ng game-fixing sa professional sports at sa mga magtatangka, huwag ninyong subukan at tiyak sa kangkungan ang inyong kahihitnan.

Ito ang masakit na katotohanan na gumising sa isang coach at 19 na players na naglaro sa inaugural season ng VisMin Pilipinas Super Cup Visayas leg matapos ipatupad ng GAB – ang ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa at nagpapatupad ng regulasyon sa pro sports sa bansa – ang pagbawi sa kanilang pro licensed at pagbabawal na makapaglaro sa anumang professional league sa bansa.

“After a careful and judicious evaluation of the case, the Board has decided to impose penalties on 19 VisMin players to serve as a deterrent,” pahayag ni GAB Chairman Baham Mitra sa opisyal na resolusyon ng GAB bago ang Bagong Taon.

Bukod sa kasong kriminal na kasalukuyan ngayong nakasampa sa Department of Justice, masinsin na inimbistigahan ng GAB, sa pamamagitan ng Anti-Illegal Gambling Unit at Legal Devision —  ang isyu ng game-fixing sa laro sa pagitan ng Siquijor Mystics at ARQ Lapu-Lapu Builders nitong Abril sa VisMin Super Cup sa Alcantara, Cebu.

Nauna nang naghain ng resolution ang GAB Board nitong Setyembre para bawiin ang lisensiya nina Siquijor Mystics’ head coach Joel Palapal ang mga players na sina Jan Cedric Penaflor, Michael John Calomot, Frederick Rodriguez, Gene Belleza, Jopet Quiro, Isagani Gooc, Juan Andre Aspiras, Desmore Joshua Alcober at Vincent Tangca.

Sinuspinde naman ng anim na buwan sina ARQ Builders head coach Francis Auquico at mga players na sina Rendell Senining, Reed Juntilla, at Jercules Tangkay. Binigyan naman ng tig-tatlong buwan na suspension ang iba pang ARQ players na sina Dawn Ochea, Franz Arong, at Ferdinand Lusdoc gayundin ang mga coach na sina Jerry Abuyabor at Alex Cainglet.

“We want to remind everyone that game-fixing is never okay. We have a law penalizing game-fixing and point-shaving, and GAB is always ready to eradicate, if not eliminate, this kind of illegal practice in professional sports,” pahayag ni Mitra.

Naglabas din ng desisyon ang VisMin Cup para patalsikin sa liga ang Siquior Team, at banned na muling makalaro ang mga sangkot na players.

Naging maagap din ang katatapos lamang na MPBL Invitational nang alisin ang mga players na blacklisted sa GAB.Rico Navarro