Game of Thrones themed café, Tara G sa QC!

Game of Thrones themed café, Tara G sa QC!

June 27, 2018 @ 12:46 PM 4 years ago


 

Quezon City – Trending talaga ngayon ang iba’t ibang themed cafes kaso, ang problema mo nalanag ngayon ay kung alin sa mga ito ang suwak sa fandom mo. Calling all the Game of Thrones Fans! Tara G sa Westeroast, ang kauna-unahang Game of Thrones-inspired café sa Pilipinas.

 

 

Nagbukas noong February ang café na ito na matatagpuan sa 51 Magiting, Diliman, Lungsod Quezon, Manila. Ipinagmamalaki nila ang kanilang kape na nanggaling pa sa Benguet habang ito ay handcrafted ng mga ekspiryensadong mga barista para magbigay ng perfect blend of fire and ice. Sounds cool!

 

Pero bukod pa rito, may pahabol pa ang café na ito, para sa mga fans at soon to be fans ng Game of Thrones, mayroon din silang milkshakes, pasta, and rice meals na mayroong fancy names na mabubusog hindi lamang ang inyong sikmura kundi pati na ang inyong IG story!

 

Kahit sino puwede mo isama sa café na ito, family, barkada, si crush o kaya ang ka-forever mo dahil mayroon din silang mga boardgames na malalaro ng mga guests for FREE! Pero syempre dapat pa rin mag-ingat sa paggamit ng mga ito para magamit pa ng mga susunod na guest at mag-experience rin nila ang saya, funny screams at good time. (Remate News Team)