Gamot na magpapabagal sa epekto ng Alzheimer’s malapit nang mabuo

Gamot na magpapabagal sa epekto ng Alzheimer’s malapit nang mabuo

October 16, 2022 @ 9:44 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patuloy na binubuo ng dalawang pharmaceutical companies ang gamot na maaaring magpabagal sa epekto ng Alzheimer’s disease sa mga pasyente nito.

Ito ay tinawag na Lecanemab, isang gamot na maaaring makapagtanggal ng amyloid beta sa utak ng tao na nagiging sanhi ng pagkabura ng alaala o memory loss.

Ito ay mula sa Biogen katuwang ng Japan-based company na Eisai Co. Ltd.

“The amyloid plaques begin building up 15 to 20 years before the memory loss, and then later the tangles start occurring, and the nerve cells get smaller,” ani Dr. Stephen Salloway ng Brown University.

“It makes to try to intervene early and reduce the plaques. If there’s enough amyloid removal, then there can be clinical benefits,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan ay naghihintay nang maaprubahan ng Food and Drug Administration ang Eisai para sa Lecanemab sa pag-asang maibenta ang gamot na ito sa Estados Unidos, Japan at ilang bansa sa Europa sa susunod na taon.

Tinatayang nasa 55-milyon tao sa mundo ang mayroong Alzheimer’s disease na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring nahahanap na lunas. RNT/JGC