HOROSCOPE MARCH 23, 2023

March 22, 2023 @10:02 PM
Views: 75
![]() |
VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Upang mapawi ang nararanasan mong kabalisahan ngayon, manalangin ka. Huwag mong masyadong intindihin ang mga basher mo. Ang totoo, ang ginagawa nila ay ‘mistulang paghanga’ sa iyo. ‘Yun nga lang ay may kaakibat na inggit at selos dahil hindi nila kaya ang ginagawa mo. Sa halip na magmukmok, gawin mo silang inspirasyon at magpasalamat dahil napapansin ka ng mga taong ito. |
![]() |
LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Gaganda ang kapalaran ngayong taon kung lalo pang magsusumikap. Huwag kang mainip sa pagdating ng tagumpay. Dahil kung gaano ka kaytagal naghintay, gayundin tatagal ang pagdaloy ng biyaya. Ituloy mo ang mga gawaing nakapagbibigay saya sa iyo na hindi labag sa kalooban ng tao at kalooban ng Diyos. |
![]() |
SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Huwag ka nang tataya sa lotto. Disin sana’y ang mga naitaya mo ay naipambili na ng isang kabang bigas at bagong appliances. Wala rito ang suwerte mo. Ang buwenas ay nasa kamay mo, nasa masipag mong kamay, pansensiya at dedikasyon sa trabaho. Ang naitabi mong ekstrang pera ay ipuhunan mo sa small business kahit sari-sari store lang. |
![]() |
SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Walang kulay o araw ang maituturing na suwerte o malas sa iyo ngayon. Lahat ay balanse. May magaganap sa iyong buhay na hindi mo inaasahan. Subalit ito ay sa positibong paraan. Ang pagtitinda ng mga kakanin kasama ang ilang close friends ay papalo kung magtutuloy-tuloy. |
![]() |
CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Kung anong kulay ang babagay sa iyong balat, iyon ang gamitin sa alinmang damit na iyong isusuot. Ang puti ay kulay ng kalinisan at iyon ang para sa iyo. Ito ang suutin mo sa isang dadaluhang pagtitipon at doon ay papasok sa iyo ang bagong oportunidad sa career at pag-ibig. |
![]() |
AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Mahaba pa ang lalakbayin upang matupad ang iyong mga pangarap. Ngunit, kung itatanim lamang ay kabutihang-loob at pagpaparaya, ikaw ay tuluyan nang magiging maligaya. Kalimutan mo na ang hinanakit at paglingon sa dating pag-ibig. May bagong darating na iyong mamamahalin at mamahalin ka rin naman ng totoo. |
![]() |
PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Magiging magaan ang iyong dadamin kung paninindigan mong ngumiti ngayon. Kahit hindi mo gusto ang karakas ng pagmumukha ng mga nakakasalubong mo. Maghahatid ito ng good vibes. Kaya, magtataka ka na lang na magaan ang loob ng tao sa iyo. |
![]() |
ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Ang ikapagtatagumpay ng iyong business ay nakasalalay sa sariling disposisyon. Higit sa lahat ang labis na tiwala sa Maykapal. Kung nasaan ang puso’t pag-iisip ay dumoon ka upang makamit mo rin ang inaasam na tagumpay. |
![]() |
TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Kung nais mong magnegosyo ng tungkol sa pagkain, tama ang ibig mo na ito. Gayunman, huwag mong payagan na ang ipupuhunan mo rito ay mula sa utang. Dapat ay mula sa ipon o mula sa paluwal ng isang mapipisil na partner. Magiging maganda ang takbo ng bisnis mo kapag ganito. |
![]() |
GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Kung may offer sa iyo o alok na sideline, part time o full time na trabaho, sunggaban mo dahil dito magiging maalwan ang buhay mo. Bagama’t medyo may kahirapan, magiging masaya ka naman at may inaasahan kaysa sa wala. |
![]() |
CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Kung nag-aaral ka at nais magtrabaho, tiyaking mababalanse mo ang mga ito. Sapagkat, kung hindi ay maapektuhan ang isa at kailangan mong mamili ng pagtutuunan ng pansin. Makakaya mo namang gampanan iyan kung pahahalagan mo ang bawat oras at maging focus sa oras ng pag-aaral at trabaho. |
![]() |
LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Hindi basehan ng tagumpay ng isang tao ang mga materyal na bagay. Bagama’t iyan ay talagang nagbibigay ng malaking ginhawa, may panahong malalagay rin ang iba sa kagipitan. Ang kailangan mo ay staying power upang ‘di maputol ang agos ng mga pagpapala at biyaya sa iyo. Manatiling humble at magtiwala sa Diyos. |
P5K max rate sa driving school itinakda ng LTO

March 22, 2023 @11:36 AM
Views: 101
MANILA, Philippines – Itinakda na ng Land Transportation Office (LTO) nitong Miyerkoles ang pinakamataas na itinakdang bayad para sa mga driving school bilang tugon sa mga reklamo laban sa mamahaling singil.
Para sa motorcycle driving, ang maximum total prescribed rate ay P3,500. Sa presyong ito, P1,000 ang para sa theoretical driving course (TDC) at P2,500 para sa practical driving course (PDC).
Para sa magaan na pagmamaneho ng sasakyan, ang pinakamataas na kabuuang itinalagang rate ay P5,000—P1,000 para sa theoretical driving course (TDC) at P4,000 para sa practical driving course (PDC).
Sinabi ni LTO chief Jay Art Tugade na ang limitasyon sa mga bayarin sa pagmamaneho sa paaralan ay magiging epektibo sa Abril 15.
“Ito pong (ito) omnibus guidelines sa akreditasyon at pangangasiwa ng mga institusyon sa pagmamaneho ay magkakabisa sa Abril 15, 2023,” sabi ni LTO chief Jay Art Tugade sa isang press conference.
Dati, walang maximum rate na nakatakda para sa driving school fees, ayon kay Tugade. May ilang paaralan umano na naniningil ng hanggang P20,000.
Gayundin, inalis na ng LTO ang moratorium sa mga aplikasyon para magbukas ng mga driving school simula Huwebes, Marso 23. RNT
140K arawang pasahero sa NAIA dadagsa sa Semana Santa

March 22, 2023 @8:16 AM
Views: 83
MANILA, Philippines – IPINAHAYAG ng opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA) na inaasahan nilang aabot sa 140,000 pasahero araw-araw ang dadagsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Semana Santa, mula sa kasalukuyang 120,000 sa pangunahing gateway ng bansa.
Ayon kay MIAA senior assistant general manager Bryan Co sa isang public briefing, marami umano ang gustong mag-enjoy sa holidays dahil ito ang unang Holy Week simula noong 2020 na bukas ang domestic at international borders.
Inaasahang tatagal ang pagtaas ng mga pasahero hanggang Mayo o ang tailend ng mainit na tagtuyot, sabi ni Co.
“We are almost at the pre-pandemic level. In 2019, we were processing around 48 million passengers (at the NAIA) annually. Last year, we had around 31 million passengers, and this year, we are expecting around 41 to 43 million passengers,” ani Co.
“So that’s a big increase from the seven million passengers we had at the NAIA in 2021,” dagdag pa ng opisyal.
Tiniyak naman ni Co na may sapat na manpower o kanilang mga tauhan at malapit sa koordinasyon sa mga airline ang iba’t ibang ahensya na nag-ooperate sa NAIA upang maiwasan ang mga pagkaantala at pamahalaan ang mga pila.
Naglagay pa aniya ng karagdagang closed-circuit television (CCTV) camera para matulungan ang management na makakuha ng malinaw na view ng mga congestion point at processing areas.
Pinayuhan naman ni Co ang mga pasahero na maglaan ng hindi bababa sa tatlo hanggang apat na oras bago ang isang international flight at dalawang oras bago ang isang domestic flight.
Dagdag pa ng opisyal, maglalagay din sila ng mga help desk sa mga terminal ng paliparan kung saan maaaring itanong ng mga pasahero ang kanilang mga concern.
Samantala, sinabi ni Co na bilang bahagi ng tuluy-tuloy na inisyatiba upang matugunan ang congestion o pagsisikip sa NAIA, ang Terminal 2 ay gagawing all-domestic terminal sa Hulyo 1.
Aniya, maaaring idagdag sa Terminal 1 at 3 ang mga immigration officers na nakatalaga sa Terminal 2 na parehong tutugon sa mga international flight.
Sa Hunyo 16, lahat aniya ng natitirang Philippine Airlines (PAL) international flights ay ililipat sa Terminal 1.
Napag-alaman sa opisyal na ang PAL ang nag-iisang airline na gumagamit ng Terminal 2 para sa mga domestic at international flights. Ang mga flight nito papunta at mula sa United States, Canada at Middle East ay inilipat sa Terminal 1 mula noong Disyembre 2022. RNT
Isolated rain mararanasan sa ilang parte ng bansa bunsod ng easterlies, localized thunderstorm

March 22, 2023 @6:43 AM
Views: 71
MANILA, Philippines – Makaapekto ang Ridge of High Pressure Area (HPA) sa Northern at Central Luzon sa Miyerkules, ayon sa PAGASA.
Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa easterlies at localized thunderstorms na may posibleng flash flood o landslides sa panahon ng matinding pagkulog.
Sumikat ang araw bandang 5:59am habang lulubog ito mamayang 6:07pm. RNT
Bong Go sa councilors league: ‘MAGING TAPAT TAYO SA TUNGKULIN’

March 12, 2023 @3:32 PM
Views: 178