Gamot, vitamins ipinamahagi sa Navoteños

Gamot, vitamins ipinamahagi sa Navoteños

January 16, 2022 @ 12:45 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Namahagi ng samu’t saring gamot gaya ng paracetamol, phenylpropanolamine (para sa ubo at sipon) at vitamin C ang mga tauhan ng distribution team ng Navotas City Hall.

Pinaalalahanan naman ni Mayor Toby Tiangco na Lahat ng pamilyang Navoteño ay mabibigyan. “Ibinabahay-bahay po natin ang pamimigay ng gamot at vitamins kaya pakihintay lamang po ang ating distribution teams kung di pa po nila kayo napupuntahan,” dagdag ni Tiangco. Jojo Rabulan