Gamutan ni Kris sa Amerika, pinatigil!

Gamutan ni Kris sa Amerika, pinatigil!

September 4, 2022 @ 12:50 PM 4 weeks ago


Texas, USA – Kilalang mapagpaniwala si Kris Aquino sa feng shui.

At huwag na tayong lumayo, nagkaroon siya noon ng pelikula na Feng Shui ang pamagat.

Idinirek pa nga ito ni Chito Rono.

Meron ding paliwanag kung bakit may mga kuha si Kris na may suot na pearl necklace in her sickbed.

Ang paniniwala kasi, ina-absorb ng mga perlas ang positibong epekto para gumaling ang isang may karamdaman.

At dahil ghost month ang August which spills over sa ilang araw ng September, ipinatigil raw mismo ni Kris ang ilang medical treatment at procedure na gagawin sa kanya sa ospital sa Houston, Texas kung saan siya naka-confine.

Reason: hindi raw ‘yon naaayon sa feng shui.

Ito mismo ang ibinalita ni Cristy Fermin sa kanyang online show na Showbiz Now Na.

Galing daw ang naturang impormasyon mula sa kanyang source, particularly mga kababayang doktor at nurse na naninirahan sa Houston.

Naunang naiulat na nagbabalak na lumipat si Kris sa ibang ospital.

May usap-usapan ngang hindi umano naging epektibo ang gamutan sa Houston that’s why Kris is considering a hospital based in Singapore.

The past days, mismong ang Ate Ballsy niya ang nagsabi na dalawa pang autoimmune disease ang natuklasan ng mga doktor sa dating TV host.

In another report, naiulat namang walang dapat ipag-alala ang mga supporter ni Kris ukol sa kanyang health condition.

Pero ano ba talaga ang totoo? Ronnie Carrasco III