PH Strong Group siba sa Dubai tourney

February 3, 2023 @2:52 PM
Views: 6
DUBAI, UAE – Maagang nasibak ang PH Strong Group sa kanilang kampanya sa 32nd Dubai International Basketball Championship matapos silatin ng Al Riyadi, 106-97, sa knockout quarterfinals sa Al Nasr Club ngayon Biyernes, oras ng Maynila.
Binura ng kinatawan ng Pilipinas ang maagang 14-point deficit, ngunit pinahintulutan ang Lebanese powerhouse team na gumawa ng late run patungo sa pag-abante sa semifinals.
Matapos simulan ang invitational tournament na may tatlong sunod na panalo, dumanas ng ikalawang sunod na pagkatalo ang Strong Group dahil nabigo ang koponan na makahanap ng sagot para kay Amir Saoud, na sumabog ng 41 puntos sa loob ng 37 minuto upang pamunuan ang Al Riyadi.
Nagdagdag si Dominic Johnson ng 23 puntos, pitong board, apat na assist, at dalawang steals na walang turnover sa loob ng 38 minuto, habang si Lebanese national team star Wael Arakji ang nag-orkestra sa opensa na may 13 puntos at apat na assist.
Nanguna si Shabazz Muhammad say Strong na may 27 puntos at pitong rebounds, habang si Renaldo Balkman ay umiskor ng 16 puntos, 15 board, tatlong assist, at dalawang block.
Nanguna sa bench si Justine Baltazar, na bigong makapagparehistro ng Korean Basketball League, na may 13 puntos, walong board, tatlong steals, at isang assist sa loob ng 29 minuto.JC
Ginang timbog sa talbog na tseke

February 3, 2023 @2:47 PM
Views: 10
MANILA, Philippines – Isang 52-anyos na ginang ang mahaharap sa paglabag sa kasong kriminal matapos na magpalabas ang korte ng arrest warrant laban dito, sa lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija.
Sa report na nakalap mula sa Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), kinilala ng pulisya ang arestadong suspek na si
Dolly Mariado y Villante, may asawa, residente ng Barangay Minabuyok, Talavera, Nueva Ecija.
Ayon sa ulat ng Talavera police station, kay Nueva Ecija director, P/Col. Richard Caballero, ganap na 8:40 ng umaga, nitong Huwebes, Pebrero 2 nang arestuhin ang sinasabing suspek ng pinagsanib na operatiba ng Warrant at Intelligence Section ng Talavera police station, katuwang ang 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) at 303rd Memorandum Circular – Regional Mobile Force Battalion 3 (MC-RMFB3).
Si Mariado ay tuluyan nang nahulog sa batas matapos na ikasa ang manhunt charlie operation, sa Barangay Pag-asa, Talavera, Nueva Ecija sa bisa pa rin ng warrant of arrest na inilabas ng korte noong Enero 30 sa MTCC, Branch 2, Cabanatuan City, Nueva Ecija, sa paglabag di-umano sa BP 22 (3 Counts) (An Act Penalizing the making or drawing and Issuance of a Check) o (Bouncing Checks Law) na may criminal cases number 99288 hanggang 99290.
Napag-alaman din sa report, na ang suspek ay nakatala at kasama sa mga Most Wanted Person at nasa Rank Number 10 ng Municipal Level nang nabatid na pulisya.
Natanggap umano ng Talavera police ang sinasabing warrant noong
Enero 31, 2023 at may piyansa na halagang P18, 000.
Pansamantala, ang suspek ay nasa kustodiya ng Talavera Municipal Police Station. Elsa Navallo
Donaire inayawan ni Moloney

February 3, 2023 @2:46 PM
Views: 9
MANILA, Philippines – Mapipilitang maghanap ng ibang katunggali ang dating world champion na si Nonito Donaire Jr. matapos umatras sa negosasyon ang sana ay makakalaban niyang si Jason Moloney.
Nakatakda sanang magsagupa ang dalawa para sa vacant WBC bantamweight crown na binitiwan kamakailan lang ni Naoya Inoue upang umakyat sa super bantamweight class.
Pero ayon kay WBC president Mauricio Sulaiman, wala nang interes si Moloney na habulin pa ang bantamweight title.
“The WBC has received confirmation from Top Rank that [Moloney] will not be fighting for the WBC bantamweight title,” ani Sulaiman sa ulat ng Boxingscene.
“With this letter the process of [Moloney] vs Donaire is hereby cancelled.”
Wala naman aniyang problema ito para kay Donaire na prino-promote ng Probellum.
“The good news is that Nonito Donaire is a warrior who is willing to face anyone,” ani Richard Schaefer ng Probellum. “Our stance was always the same — Nonito Donaire was going to challenge for the WBC bantamweight title.”
“We wish [Moloney] the best of luck,” ayon naman kay Sulaiman. “The WBC will be announcing future steps towards the fight for such vacant title.”JC
Revenue target ng BOC ngayong Enero, nahigitan pa

February 3, 2023 @2:44 PM
Views: 9
MANILA, Philippines – Nahigitan pa ng Bureau of Customs ang target na kita nito ngayong Enero ng hanggang 11.79% o P7.415 bilyon.
Batay sa preliminary report na inilabas nitong Biyernes, Pebrero 3, nakakolekta ang BOC ng kabuuang P70.327 bilyon nitong nakaraang buwan, sobra sa target revenue na P62.911 bilyon.
Mas mataas din ng 20.53% o P11.98 bilyon ang nakolekta sa kaparehong panahon noong 2022 sa P58.346 bilyon.
Nakapag-ulat naman ang BOC nitong Enero ng 36 na operasyon sa iba’t ibang pantalan at paliparan.
Katumbas ito ng nasa P908.137 milyon na halaga ng mga nasabat na iba’t ibang produkto na lumabag sa Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Kabilang sa mga ito ay ang nasa P794.463 milyon halaga ng smuggled agricultural products at P104.833 milyon halaga ng illegal na droga.
Sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz, nananatiling positibo ang ginagawa ng ahensya upang maproteksyunan ang bansa laban sa mga smuggled na produkto.
Ipagpapatuloy rin nito ang modernisasyon at reporma sa polisiya upang maiwasan ang fraud at korapsyon sa ahensya. RNT/JGC
Obiena 3rd place sa Mondo Classic

February 3, 2023 @2:43 PM
Views: 12