Garafil bilang PCO chief, aprub sa CA

Garafil bilang PCO chief, aprub sa CA

March 15, 2023 @ 3:10 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma na ng Commission on Appointments (CA) nitong Miyerkules, Marso 15 ang ad interim appointment ni Atty. Cheloy Garafil bilang kalihim ng Presidential Communications Office (PCO).

ā€œBilang isang simpleng kawani ng gobyerno, isang malaking karangalan po sa akin na ako ay maimbitahan ng ating Pangulo na maging bahagi ng kanyang Gabinete. Nang ako po ay tawagin niya upang maging bahagi ng PCO hindi ako nagdalawang isip sapagkat bilang isang dating journalist at public relations practitioner batid ko kung gaano kahalaga ang papel ng PCO sa pag siguro na maipahatid sa ating publiko ang tamang impormasyon ukol sa mga programa at polisiya ng gobyerno,ā€ pahayag ni Garafil.

ā€œSa limang buwan ko po bilang OIC at Secretary ng PCO, nagkaroon ng maraming pagbabago ang ahensiya. Kami po ay nag reorganized upang mas maging streamlined ang mga opisina ng Office of the President na bahagi sa pagbibigay ng impormasyon. Patuloy din po ang pag-aaral namin sa mga attached agencies at GOCCs upang mas maayos itong magamit ng ating pamahalaan,ā€ dagdag pa niya.

Kinilala naman ni Garafil na magiging mabigat ang kanyang trabaho lalo na sa panahon na mabilis na lamang makakuha ng mga impormasyon gamit ang internet.

ā€œThere is also a proliferation of fake news. We at PCO will have to make sure and likewise watch ourselves to ensure that we only share facts and truth,ā€ pagpapatuloy niya.

Samantala, inihayag naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang kumpiyansa nito kay Garafil sa pagsisikap at integridad nito bilang miyembro ng Gabinete.

ā€œI had an opportunity to travel with her in colleagues during a presidential trip. Siya yung isang tao na halos walang tulog, halos walang pagod. At nung natapos na kami sa presidential visit, nahuli ko siya sa Don Quijote, nakaupo lang sa isang kanto dahil pagod na pagod siya, nakaganun yung ulo niya, ang that’s a Philippine secretary, very low profile. And I must say she’s very well loved and very well liked by not only the members of the MalacaƱang family but also by the media,ā€ pagbabahagi ni Zubiri.

Suportado rin ng mga senador na sina Jinggoy Estrada, Christopher ā€œBongā€ Go, at Loren Legarda ang kumpirmasyon ni Garafil. RNT/JGC