Garcia bagong Comelec chair

Garcia bagong Comelec chair

August 1, 2022 @ 4:26 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si George Erwin Garcia bilang Chairman ng Commission on Elections.

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na isinumite na ng Pangulo ang pangalan ni Garcia sa Commission on Appointments na “required by law.”

Si Garcia, dating Comelec Commissioner ay naging dating abogado ni Pangulong Marcos.

Siya rin ang kumatawan kay Senador Grace Poe sa kanyang citizenship case sa Korte Suprema noong 2016 din.

Naging abogado rin si Garcia ni dating Manila Mayor Isko Moreno. Kris Jose