Garcia pabor sa pag-arkila ng VCMs

Garcia pabor sa pag-arkila ng VCMs

September 7, 2022 @ 1:47 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na dapat umarkila ng mga bagong vote counting machine para sa pagsasagawa ng 2025 polls at higit pa upang maiwasan ang mga insidenteng hindi gumnaganang VCM sa hinaharap.

Ginawa ni Garcia ang posisyon sa deliberasyon ng Commission oin Appointments sa kanyang nominasyon bilang poll body chairperson at sinabing hindi na masyadong gumagana ang mga VCM sa mga bodega ng Comelec.

Sinabi pa ni Garcia na hindi na kailangan bumili pa ng machine dahil nagbabago ang teknolohiya kada anim na buwan.

Ipinaliwanag niya na ang pinaka-epektibo ay mag-arkila ng makina dahil hindi na kailangan pa ng warehouse at imaintain bukod sa mas mura.

Bukod dito, sisiguraduhin aniya ng magpapaupa na bago ang makina.

Ayon kay Garcia,ang muling paggamit sa 90,000 VCMs na ginamit na sa nagdaang tatlong halalan ay magdudulot lamang ng kapatrehong insidente ng malfunctioning sa nakalipas na 2022 polls na nagresulta ng pagkaantala ng pagboto sa ilang mga polling precinct at pagdagsa ng mga botante sa gitna ng pandemya.

“We believe, based on technical specifications, that if we are going to use these for the 2025 elections…iyong pinupukpok, nilalagyan ng electric fan para lumamig, iyong pahihintuin muna, iyong ia-adjust kasi di na kumakasya ang balota…these will all happen again in 2025,” sabi ni Garcia.

Giit ng poll chief, hindi na makakabalik sa manual elections.

Dapat aniya ay computerized elections dahil hindi lang sa bilis kundi sa kredibilidad ng resulta.

Gayunman, sinabi ni Garcia na ang poll body ay gagabayan pa rin ng feedback mula sa mga mambabatas mula sa House of Representatives at sa Senado. Jocelyn Tabangcura-Domenden