Garden breakfast sa Metro, Tara G! Sa Flossom Kitchen Café!

Garden breakfast sa Metro, Tara G! Sa Flossom Kitchen Café!

August 8, 2018 @ 1:23 PM 5 years ago


 

Metro Manila – Almusal na may kasamang simoy ng sariwang orchids at iba pang bulaklak, at ang mga “Instagramable” shots? Sagot na ‘yan ng ibibidang naming Café na matatgpuan sa N Averilla, San Juan.

“Your neighborhood’s comfort place” Ang motto ng nasabing café dahil sa mga pagkaing bida rito tulad ng pancake, pizza, sandwich, pasta at marami pang iba.

Morning person? Swak na swak sa’yo ang mga pagkain na tulad ng Butter Pancake (P250) Smoked Salmon Benedict (P350) at ang sikat nilang Ube Champorado (P280).

Brunch date? Mabenta rito ang Mushroom Truffle Risotto (P420), Baked Meatloaf (P320) at Crispy Pork Belly (P350).

Kung Italian style naman ang hanap, Pasta & Pizza, best seller nito ang Crab Afredo Pasta (P350), Honey Chorizo Pasta (P320), Thin Crust Chicken Pesto (P420) at Margherita Pizza (P420).

Mayron din silang sandwiches tulad ng Molten Lava Burger (P420), Grilled Cheese (P300) at Cobbler Fish Sandwich (P290).

Matapos mabusog sa masarap na kainan at kung may extra ka pa namang time, mayron pang mai-ooffer ang San Juan sa inyo.

Kilala ang San Juan bilang isang makasaysayang lugar, maaaring bumisita sa Pinaglabanan Memorial Shrine kung saan wala pang isang kilometro ang layo sa Museo ng Katipunan.

Saan ka pa? Busog ka na, nakapasyal ka pa sa isa sa makasaysayang lugar sa ating bansa. Kaya’t ano pang hinihintay mo? Tara na! G na! Remate News Team/Gwyneth Dennisse Cura