Manila, Philippines – Nagsalita na ang Gardenia Philippines kaugnay viral video na kumakalat sa Facebook kung saan makikitang binabawasan ng kanilang delivery personnel ang mga tinapay.
“Gardenia is saddened by the product tampering incident done in public by one of our delivery personnel,” pahayag ng kompanya.
Sa ngayon ay iniimbestigahan na anila ang insidente at sinisigurong hindi na ito mauulit pa.
“Rest assured that we are doing our best we could to serve our customers with the best quality products and services, nonetheless.”
Inulan naman ito ng komento ng mga netizens.
Komento pa ng ilan. kaya pala raw hindi pantay-pantay ang dami ng tinapay ay dahil sa binabawasan ito isa-isa.
“The end doesn’t justify the means. I agree na wala naman talagang perfect and who are we to judge but still Mali pa rin ang ginagawa nya. Di naman natin sya hinuhusgahan, sinasabi lang natin na mali ginagawa nya. In a way parang ninakawan nya bawat tao na nakabili ng mga packs ng Gardenia bread na binawasan nya tapos di na rin fresh kasi nabuksan na, hayy,” saad pa ng isang netizen. Remate News Team