Gari Escobar pangarap maging Rico J. Puno

Gari Escobar pangarap maging Rico J. Puno

July 1, 2020 @ 2:35 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Last year sa PMPC Star Awards For Music ay nakamit ni Gari Escobar ang karangalang Best New Male Recording Artist.

Early part of 2019 yon kaya suwerte niya coz hindi pa sumalakay dito sa bansang Pinas ang pandemonyong coronavirus disease 2019 at tuloy ay nagkaroon din tayo now ng pandemic financial crisis at hindi lang dito kundi all over the world.

Ngayong may krisis sa Philippine Showbiz, in acting and in singing, nangangarap pa ba siyang ipagpatuloy ang pagiging singer cum recording artist?

So what keeps Gari Escobar busy right now?

“Pangarap ko maging total entertainer na tulad ni Rico J, the best po siya. Mahilig kasi ako mag-entertain at sumayaw at gusto ko subukan ang iba’t ibang genre ng music.

“Saulado ko lahat ng songs niya pati ‘yung ‘Together Forever’ at ‘Where did our Love Go.’ ‘Yung song nya na ‘Kapalaran'[ ang pinaka-unang kinanta ko sa singing contest, du’n ako nag-second place. Para pa kasi akong estatwa kung kumanta noon. He,he.

“Right now po ay two songs ko ang tinutugtog sa 102.7 Star FM, yung ‘Baguio’ at ‘Tama na’. By the second week of July ay ire-release na digitally ang aking 3rd single.

“Nagpapasalamat po ako sa aking mga supporters na sinusuportahan po ako sa lahat ng ginagawa ko.

“Busy po ako kahit nu’ng nag-ECQ dahil malakas po ang aking online business.”

‘Yan ang mahabang pahayag sa akin nitong si Gari na isang true blooded Noranians at minsan nang inalok noon ng kasal ang ating Superstar.

But may saying na …if not meant to be..not meant to be…’yun na!

O, huwag na sanang mag-react ang mga friendships nating Noranians diyan Nationwide at Worldwide at pagbintangan itong si Gari na ginagamit lang si Ate Guy para sumikat. Hindi po. Wala po yon sa isip niya.

Ang nasa isip niya ngayon ay sumikat bilang singer cum recording artist tulad nga nang isang Rico J. Puno (SLN).

‘Yon lang ang dream nang isang Gari Escobar sa ngayon sa true lang.

Niwey, goodluck sa bago mong pangarap Gari Escobar! Mercy Lejarde


  •  
  •  
  •  

Loading...