Garrett Bolden, nagbabu sa All-out Sunday, nag-join sa Miss Saigon Guam!

Garrett Bolden, nagbabu sa All-out Sunday, nag-join sa Miss Saigon Guam!

July 27, 2022 @ 7:20 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Tiyak na maninibago ang mga loyal viewers ng All-out Sundays sa darating na August.

Pansamantala muna kasing mawawala ang The Clash Season 1 finalist at binansagang Soul Balladeer na si Garrett Bolden.

May kumaway kasing magandang kapalaran kay Garrett as he joins Miss Saigon in Guam.

Papel ni John Thomas ang gagampanan niya.

By August na magsisimula ang kanyang training, hence his absence in GMA’s Sunday variety show.

Ani Garrett, itinuturing niyang dream come true ang mapabilang sa isang musicale lalo pa’t sikat ang Miss Saigon na dating nilabasan ni Lea Salonga.

Sey pa ni Garrett, nagbunga ang kanyang hirap in pursuit of his dream.

Ang The Clash Season 1 ang nagbukas ng pintuan ng mga oportunidad para kay Garrett.

He owes much of his success sa mga taong nagtiwala sa kanya most especially his family.

Hindi pa tiyak kung hanggang kailan mananatili si Garrett sa Guam.

Knowing na maraming Pinoy ang naka-base doon tiyak na susugod ang mga ito sa paglalabasan ng musicale ni Mackintosh.

Maituturing na karangalan ito para sa The Clash composed of Ai Ai de las Alas, Christian Bautista and Lani Misalucha.

Isama na rin sina Julie Ann San Jose at Rayver Cruz na sa nasabing singing search nagsimulang maging close sa isa’t isa hanggang sa nagkaroon ng espesyal na kaugnayan. Ronnie Carrasco III