Gary V, ligtas na sa dengue!

Gary V, ligtas na sa dengue!

October 14, 2021 @ 3:01 PM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Masaya kami para kay Mr. Pure Energy Gary Valenciano dahil gumaling na siya mula sa sakit na dengue.

Sa kanyang Instagram post, sinabi niyang na-hospital siya for 2 days dahil nga sa nakamamatay na sakit.

Ayon sa kanyang IG post, “I just wanted to share the goodness of the Lord with all of you. I’ve been here in the hospital since Mon PM due to dengue fever.

“But He took care of me yet again and now I’m headed home. The Lord has left me speechless once again. I Love you Jesus! #undesevring #unmerited #favoroftheLord #Godissogood.”

Sa comment section, maraming kaibigan ni Gary V ang nagpadala ng mensahe sa kanya, na masaya sila, na gumaling na siya.

Ang isa sa mga ito ay si Iza Calzado. Sabi ng aktres, “Payers for you Tito Gary [heart emojis].”

Sabi naman ni TV Host Christine Bersola-Babao, “TakeCare Gary! [Emojis] May the Lord Bless and Keep you.”

Ang former actress naman na si Princess Punzalan ay nagpalamat kay Lord para sa paggaling ni Gary. Sabi niya, “Thank You, Lord God for healing Gary [emojis].”

Ang singer naman na si Moira dela Torre, ang message niya kay Gary ay, “So happy to hear that you are feeling better now tito.”

Ang ilan pa sa mga nagpadala ng emojis at  menahe para kay Gary ay sina Lyn Ching, Julie Anne San Jose, Kit Kat, Bernadette Sembrano, Gab Pangilinan, Ogie Alcasid, Timmy Pavino, at RJ dela Fuente. Rommel Placente


  •  
  •  
  •