Gary V, nag-sorry sa mga fans!

Gary V, nag-sorry sa mga fans!

December 17, 2022 @ 9:20 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Wala nang dapat ikabahala ang mga tagasuporta ni Gary Valenciano.

Nito lang ay iniulat namin dito sa Remate Online ang paghingi ng Mr. Pure Energy ng “miraculous touch” para sa kanyang pinagdaraanang karamdaman.

Humingi siya ng gabay para maitawid ang gabing ‘yon at ang mga gabing darating.

These words caused panic among his fans.

Ayon sa Viber message ng asawa ni Gary na si Angeli Pangilinan nang kumustahin ng isang reporter (hindi mula sa pahayagang ito): “He’s okay naman. He was just overworked. Nawalan siya ng boses.”

Kagyat namang humingi ng paumanhin ang Total Performer para sa kanyang post sa Twitter lalo’t ikinaalarma ito ng kanyang mga tagahanga.

Dagdag niya, “Thank you for your concern. I’m on my way to getting much better friends. Our bodies hit moments that we need to rest, and that’s what I need. Thank you.”

Nagkaroon tuloy ng sigh of relief, hindi lang ang kanyang mga fans kundi maging kapwa showbiz celebrities.

Kilala naman kasing workaholic si Gary to the point na hindi na raw niya alam na inaabuso na niya ang kanyang katawan, lalung-lalo na ang kanyang vocal cords.

A good night rest will do the trick.

Sabi nga, kapag patang-pata na ang iyong katawan dahil sa trabaho, pahinga ka rin pag may time. Ronnie Carrasco III