Gary V, nanghihingi ng miraculous touch; taga-suporta, nag-aalala!

Gary V, nanghihingi ng miraculous touch; taga-suporta, nag-aalala!

December 16, 2022 @ 3:46 PM 2 months ago


Manila, Philippines- Nabahala ang mga tagasuporta sa most recent post ni Gary Valenciano sa kanyang social media account.

Isa lang ang tanong ng mga ito: how alaming is their idol’s health condition?

In his post, humihingi ang tinaguriang Mr. Pure Energy ng miraculous touch para hipuin siya ng gabing ipinost niya ito at sa mga susunod pang gabi.

Public knowledge na isang survivor ang Total Performer dahil napanagumpayan niya ang iba’t ibang pinagdaanang karamdaman.

Ang masasabi ngang pinakagrabe roon ay ang pagkakaroon niya ng diabetes which he continues to struggle with to this day.

Dumating din ‘yung time na inakala niyang katapusan na niya, but with God’s grace ay nalampasan niya ito.

Kilalang very spiritual at prayerful si Gary V, this must be the reason kung bakit laging nanaig ang kanyang malakas na pananampalataya.

Matatandaang huling humingi ng panalangin si Gary V dahil nagkaroon ng diperensya sa kanyang boses ilang araw bago i-restage ang musicale na Joseph the Dreamer, which he used to play many years ago.

Sa awa ng Diyos, tila milagrong he was able to regain his voice to lend support to the bida.

Nitong August 6, Gary turned 58.

His fans are praying for his speedy recovery kung anumang sakit ang iniinda niya. Ronnie Carrasco III