Gasolina sa Sri Lanka nasaid na

Gasolina sa Sri Lanka nasaid na

June 26, 2022 @ 5:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Said na ang petrolyo at diesel ng Sri Lanka matapos ang walang katiyakang pagkaantalamaantala ng mga oil imports sa bansa na nahaharap sa krisis pang-ekonomiya, ayon sa energy minister.

Sinabi ni Kanchana Wijesekera na ang mga kargamento ng langis na nakatakda noong nakaraang linggo ay hindi dumating habang ang mga naka-iskedyul na imports sa susunod na linggo ay hindi rin makararating sa Sri Lanka dahil sa ‘banking reasons.’

Nahahrap ngayon ang Sri Lanka sa kakulangan sa foreign exchange para tustusan kahit ang mga pinakamahalagang import, kabilang ang pagkain, gasolina at mga gamot.

Sinabi ni Wijesekera na hindi masabi ng state-run na Ceylon Petroleum Corporation kung kailan magkakaroon ng mga sariwang suplay ng langis sa isla. Isinara rin ng CPC ang nag-iisang refinery nito dahil sa kakulangan ng krudo, idinagdag niya.

Ang mga kaunting suplay na natitira sa bansa ay ipapamahagi sa pamamagitan ng ilang mga pumping station, aniya.

Bibigyan ng prayoridad ang pampublikong sasakyan at pagbuo ng kuryente, dagdag ni Wijesekera, na humihimok sa mga motorista na huwag pumila para sa gasolina.

“I apologize for the delay and inconvenience,” sabi ng ministro habang ang daan-daang libong mga motorista ay gumugol ng mahabang oras sa paghihintay para sa gasolina at diesel sa buong bansa.

Noong nakaraang linggo, isinara ng gobyerno ang mga hindi mahalagang institusyon ng estado kasama ang mga paaralan sa loob ng dalawang linggo upang mabawasan ang pag-commute dahil sa krisis sa enerhiya.

Ilang ospital sa buong bansa ang nag-ulat ng matinding pagbaba sa attendance ng mga medical staff dahil sa kakulangan din sa gasolina. RNT