Gastos sa quarantine, RT-PCR dapat sagutin ng recruitment agency — Bello

Gastos sa quarantine, RT-PCR dapat sagutin ng recruitment agency — Bello

February 9, 2022 @ 6:50 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III na dapat sagutin ng recruitment agencies ng overseas Filipino workers (OFWs) ang mga gagastusin sa quarantine protocol.

Kaugnay ito ng pagpayag ng bansang Taiwan na makapasok na ang migrant workers.

Dagdag pa ni Bello, maglalabas ng guidelines ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa deployment ng OFWs sa Taiwan.

“Dapat ‘yung agency kasi kumikita naman sila. Sagutin nila RT-PCR at quarantine ng mga worker,” ani Bello.

Kailangan namang sumunod sa 14-day quarantine pagdating sa Taiwan at dagdag na pitong araw para sa self-management bago magtrabaho.

Nilinaw rin na dapat fully vaccinated laban sa COVID-19 kung tutungo sa Taiwan. RNT/FGDC