Gatas online, sinita ng FDA

Gatas online, sinita ng FDA

August 6, 2020 @ 6:27 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagreklamo ang isang consumer group sa tanggapan ng Food and Drug Administration dahil sa mga hindi rehistradong produkto na mga brand ng gatas na ibinibenta online simula umiral ang lockdown sa bansa.

Nabatid na 10 brand ng gatas ang sinasabing hindi rehistradong produkto kung saan ipinaalis sa merkado ng Action  for Consumerizm and Transparency for Nation Building Incorporated ay dahil sa hindi pasado sa pamantasan ng FDA.

Ayon sa grupo karamihan sa nasabing mga produkto ay ginagamit sa pastry at bake product.

Nagsimula umanong mamayagpag sa merkado ang nasabing mga produkto ng gatas  nang magkroon ng lockdown dahil sa pandemic.

Babala ng grupo , posibleng mapanganib  sa  kalusogan na hindi nasuri at pumasa sa pamantayan na itinatakda ng FDA. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...