DPOS na nagmamando ng trapiko tinumbok ng trak, utas!

March 23, 2023 @5:48 PM
Views: 11
MANILA, Philippines- Patay ang isang traffic enforcer matapos tumbukin ng trailer truck at magulungan habang nasa kasagsagan ng pagmamando ng trapiko kahapon sa lungsod ng Quezon.
Kinilala ni Traffic Sector 1 commander CAPT Napoleon Cabigon ang biktima na si Jeffrey Antolin, 35-anyos, miyembro ng Department of Order and Safety (DPOS), residente ng No. 9 Tinagan St. Barangay San Jose Q.C.
Kinilala naman ang suspek na si Joel Dimacali, 47, nakatira sa 921 Asuncion St Tondo Manila, drayber ng Isuzu Tractor Head na may plakang AAQ-7032 na nakarehistro sa Cyrus Logistics Incorporated na matatagpuan
sa 2108 Centara Hotel Manila Del Pilar Brgy 430 Malate Manila.
Ayon kay PSSG Jayson Gutierrez, may hawak ng kaso, dakong alas-5:30 ng hapon (March 22) nang maganap ang insidente sa kahabaan ng A Bonifacio avenue sa harap ng Cloveleaf Ayala Mall Brgy Balingasa Q.C.
Lumalabas na habang nagpapatawid ng mga tao sa pedestrian lane si Antolin ay hindi naman huminto ang trak sanhi upang siya ay mabangga at magulungan.
Sinasabi na nagawa pang mailigtas ng biktima ang isang siklista na papatawid sa lugar.
Mabilis naman na isinugod ng Barangay Balingasa ambulance si Antolin sa MCU hospital subalit bandang alas-6:34 ng gabi nang ideklara ni Dr. Tennesse Estrada na binawian na ng buhay ang biktima.
Nakapiit na si Dimacali na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide sa Quezon City Office of the Prosecutor.Ā Jan Sinocruz
DOH dumepensa sa 9 suspendidong opisyal

March 23, 2023 @5:34 PM
Views: 16
MANILA, Philippines- Tiniyak ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes ang integridad ng siyam sa mga opisyal nito na pinatawan ng anim na buwang suspensiyon ng Office of the Ombudsman matapos masangkot sa umano’y maanomalyang pagbili ng COVID-19 supplies noong 2020 at 2021.
Bagama’t iginagalang nito ang desisyon ng Ombudsman, naninindigan ang DOH na ang mga opisyal ay “nagsagawa ng makabuluhang papel” sa pagtugon sa pandemya.
Ang naturang mga opisyal ayon sa DOH ay dekada nang nasa ahensya at kinikilala ang kanilang serbisyo at sakripisyo na pangako sa mga Filipino.
“Bagama’t nangangako kaming sumunod sa relihiyon sa lahat ng mga pamamaraan, tinitiyak ng DOH ang integridad ng mga opisyal na ito, na may mahalagang papel sa pagtugon sa COVID-19 ng bansa,” sabi ng ahensya.
Sa pahayag pa ng DOH, habang sila ay nangangako na sumusunod sa lahat ng pamamaraan, tinitiyak nito na ang integridad ng mga opisyal nito sa pagtugon sa COVID-19 ng bansa.
Kinilala ang mga opisyal ng DOH na sinuspinde na sina Nestor Santiago, Jr., Crispinita Valdez, Amado Tandoc, Lei Lanna Dancel, Dave Tangcalagan, Jhobert Bernal, Kenneth Aristotle Punzalan, Rose Marasigan, at Maria Carmela Reyes.
Kasama rin ang 24 iba pa mula sa Department of Budget and Management – Procurement Service (PS-DBM), kabilang si Overall Deputy Ombudsman Warren Rex Liong at dating DBM Undersecretary Lloyd Christopher Lao.
Binigyang-diin ng DOH na limitado ang papel nito kasama ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM), sa pagbibigay ng technical input bilang end-users sa pagbili ng mga commodities para sa COVID-19 pandemic.
Gayunman, nangako ang ahensya na makikipagtulon ito sa imbestigasyon at
itaguyod ang lahat ng nararapat na proseso na ipinag-uutos ng Office of the Ombudsman at ang gobyerno.
Matatandaang pinangunahan ni dating Senador Richard Gordon, bilang blue ribbon committee chair, ang pagtatanong sa paglilipat ng P42 bilyong pondo ng COVID-19 mula sa DOH patungo sa PS-DBM.
Kabilang dito ang P8.6 bilyong PS-DBM na ginamit para sa pagbili ng mga face mask, face shield, at personal protective equipment (PPEs) mula sa Pharmally Pharmaceuticals Corp., na mayroon lamang P625,000 na paid-up capital nang pumasok ito sa transaksyon ng gobyerno. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Bagong CHR commissioner, pinangalanan

March 23, 2023 @5:20 PM
Views: 19
MANILA, Philippines- Inanunsyo ng MalacaƱang nitong Huwebes na itinalaga si retired Court of Appeals associate justice Monina Arevalo-Zenarosa bilang bagong commissioner ng Commission on Human Rights.
āItinalaga bilang Commission on Human Rights (CHR) Commissioner ngayong araw si dating Associate Justice ng Court of Appeals, Atty. Monina Arevalo-Zenarosa,ā anang Presidential Communications Office (PCO) sa Twitter.
Nanumpa si Arevalo-Zenarosa sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
āSa kanyang malawak na karanasan sa larangan ng batas at pangangalaga sa karapatang pantao, magiging responsable si CHR Commissioner Zenarosa sa pagpapatupad ng mga karapatan ng lahat ng Pilipino, partikular na ng mga marhinalisado,ā pahayag ng PCO. RNT/SA
āSin taxes’ itaas – solon

March 23, 2023 @5:06 PM
Views: 21
MANILA, Philippines- Sinabi ni AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes na dapat itaas ang tinatawag na “sin taxes” sa bansa.
Ayon kay Reyes, vice chairman ng House Committee on Health, na makatutulong ang pag-amyenda sa Sin Tax Reform Law of 2012 sa pagpondo sa Universal Health Care (UHC) at maisulong ang healthier lifestyle.
“Studies have shown that sin tax is working lalo na sa ating mga kabataan. Through this measure, we help millions of Filipinos from acquiring preventable diseases – especially tobacco-related illnesses,ā pahayag niya nitong Huwebes.
Binanggit din ni Reyes ang pag-aaral ng University of the Philippines Population Institute (UPPI), kung saan makikita ang bumabang alcohol, cigarette, at vape consumption ang mga kabataan dahil sa mas mahal na presyo ng sin products.
Makikita rin sa Young Adult Fertility and Sexuality Study (YAFS) na bumaba ang kaso ng paninigarilyo sa 15 hanggang 24-anyos mula sa 22 porsyento noong 1994 sa 12 porsyento nitong 2021.
“We are still one of the countries with lowest sin taxes and there is still more work to be done for us to get within the WHO standards of Universal Health Care,” pahayag niya.
Sinabi pa ni Reyes na kasalukuyan nilang pinag-aaralan ang pagtataas ng buwis sa vape products at sugary drinks.
“Vape products are usually branded as a āsaferā alternative to cigarettes. This is misleading because they still cause harm to the body,” sabi niya.
“Excess intake of sugar meanwhile can lead to obesity which continues its uptrend in the country. According to DOH, more than 30 percent of Filipino adolescents are projected to be overweight and obese by 2030 if no action is taken,” patuloy ng mambabatas. RNT/SA
P45M tulong naipamahagi na sa oil spill victims – DSWD

March 23, 2023 @4:52 PM
Views: 23