Gatchalian: Healthy eating habits kailangan ng mga bata vs COVID-19

Gatchalian: Healthy eating habits kailangan ng mga bata vs COVID-19

July 12, 2020 @ 2:40 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Binigyang halaga ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian na parehong mahalaga ang pagbibigay ng proteksiyon sa bata laban sa nakakasirang commercial marketing na nagtatayod ng unhealthy products at pagtatakda ng panibagong buwis s “junk food” upang makatulong na bawasan ang konsumo ng walang kuwentang pagkain.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na tinukoy sa ipinalabas na pag-aaral ng World Health Organization (WHO), United Nations Children’s Fund (UNICEF), at international medical journal Lancet, na may commercial entities ang nagtataguyod ng addictive substance at unhealthy commodities tulad ng sugar-sweetened beverages, salted snack foods, at fried fast food.

Sinabi ni Gatchalian na natuklasan na may kinalaman ang mga produktong ito sa non-communicable disease tulad ng diabetes, obesity, at heart disease.

Dahil mananatili ang halos lahat ng mag-aaral sa loob ng kanilang tahanan at sa kanilang gadgets, maaari silang malantad sa mga harmful commercial marketing messages, sinabi ni Gatchalian na mahalagang magbuo ng kanilang media at information literarcy upang maintindihan nila ang panganib sa mga produktong ito.

“Dapat itaguyod sa bata ang health habits upang maprotetakhan sila laban sa banta ng COVID-19,” ayon kay Gatchalian.

Aniya, bago pa man salakayin ang COVID-19 pandemic ang bansa, dumadanas na ang ating kabataan at nakatatanda ng Undernutrition at malnutrition.

“Based on UNICEF’s The State of the World’s Children: Children, Food and Nutrition, one in three Filipino children under the age of five are stunted or too short for their age, while roughly seven percent are too thin for their height,” giit ni Gatchalian.

Sinabi pa ni Gatchalian na ibinulgar din ng katulad ng pag-aaaral na isa sa ating adolescent ay matatab dahil mali ang ugali sa pagkain. Iginiit din, ayon sa senador, na sa huling 15 taon, hindi lamang domoble, kundi nagtriple ang adolescent obesity sa mga Filipino dahil maraming processed food na mayaman sa asin, taba at asukal na madaling mabili sa murang halaga.

“Dahil nananatili ang mga kabataan sa kanilang mga tahanan, nakatutok sa kanilang mga gadgets o sa telebisyon, mas malaki ang posibilidad na makumbinsi sila ng mga mapanlinlang na mga mensahe tungkol sa junk food at iba pang nakakapinsalang mga produkto. Ang paglinang sa kaalaman ng mga kabataan tungkol sa mga produktong ito ay mahalaga upang mapanatili natin silang ligtas at malusog lalo na ngayong panahon ng pandemya,” ayon kay Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

“Health education will play a role in helping learners become more critical of harmful commercial marketing,” dagdag niya.

Ipinanukala ni Gatchalian sa Senate Bill No. 1565 o ang Education in the New Normal Act, ang pagsasanib ng health education sa araw-araw na aralin at aktibidad sa ilalim ng hybrid learning system.

Gagamitin ng panukala ang parent-teachers group sa pagtataguyod ng health information sharting. Ernie Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...